Iginagalang ni BuCor Chief Nicanor Faeldon ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang sibakin nito.
Ayon kay Faeldon, bilang isang marine ay handa niyang sundin ang utos ng kaniyang Commander-in-Chief.
Susundin aniya ito ng walang halong sama ng loob.
Magugunitang unang nanawagan ang Pangulo sa pagbibitiw ni Faeldon matapos ang kontrobersyal na pagpapalaya sa mga bilanggo na nahatulan sa heinous crime dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.