Iginiit ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Dir. Gen. Nicanor Faeldon na hindi dapat makalaya si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez batay sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ito ang inihayag ni Faeldon sa kaniyang muling pagharap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kahapon.
Ayon kay Faeldon, kaniyang binawi ang memorandum of release na kaniyang pinirmahan sa kabila ng paninindigan dito ng kanilang mga legal officer.
Because the legal officer who is beside me and other lawyers in the bureau I discussed this with them several times and they continuously reminded me that there is no legal basis to stop the release of Sanchez because all the requirements for his release under the retroactive effect of the republic act 10592 is satisfied,” ani Faeldon.
Dagdag pa ni Faeldon, sa katunayan ay siya pa mismo ang nagpahinto ng proseso ng pagpapalaya kay Sanchez kahit pa kumpleto na ang dokumento nito.
I sanction to stopped his release against the legal position of the BuCor that’s why it reaches my office, you can ask them your honor, I have been pointing them out that he may not qualified because I saw this kubol demolition in 2015 and under our records I reminded this to them,” ani Faeldon.