Kumpiyansa ang Malacañang na madedepensahan ni dating Customs Commissioner ngayo’y Defense Deputy Administrator for Operations Director Nicanor Faeldon ang kanyang sarili.
Ito’y makaraang irekomenda ng Ombudsman ang pagsasampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban kay Faeldon kaugnay ng mahigit anim na bilyong pisong shabu shipment mula sa China.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, isa aniyang magandang pagkakataon iyon para kay Faeldon upang maipagtanggol nito ang sarili sa korte mula sa mga alegasyong ibinabato sa kaniya.
Magugunitang inihayag ng special investigation panel ng Ombudsman na may sapat na ebidensya na magdiriin kay Faeldon hinggil sa naturang usapin.
Samantala, inabsuwelto naman ng Ombudsman ang magbayaw na sina dating Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte at Atty. Manases Carpio na asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte.
—-