Aarangkada na ngayong araw ang isasagawang pagdinig ng senado kaugnay sa kuwestiyonableng isyu ng pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, sa panayam ng DWIZ, kanilang pangunahing uungkatin ang mismong proseso at implementasyon ng naturang batas dahil nagdulot ito ng lubhang pagkalito sa publiko maging sa mga kinauukulan.
Dapat din aniyang magkaroon ng linaw kung sino lamang ang maaaring makinabang sa GCTA.
Kailangan din, ani Gatchalian, na malinaw kung sino ang maaari lamang makinabang sa batas.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 1, 2019
Giit pa ni Gatchalian, maraming dapat linawin at sagutin si Bureau of Correction (BuCor) Chief Nicanor Faeldon kaugnay sa pagpapalaya ng mga heinous crime convicts.
Dagdag ni Gatchalian, bilang isang hepe ng isang ahensya, si Faeldon aniya ang kauna-unahang dapat magtatanong kung tama ba ang kanilang isinasagawa o kung nararapat bang amyendahan ang nabanggit na batas.
Gatchalian: Kung ikaw ay naiisahan, ibig sabihin hindi ka dapat maging head ng isang agency.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 1, 2019
May karapatan naman, ani Gatchalian, ang bawat namumuno sa isang ahensya na kwestiyunin kung mayroong nakikitang mali sa kanilang ginagawang proseso.
(Ratsada Balita Interview)