Magsasampa ng hiwalay na ethics complaint ang kampo ni dating Customs commissioner Nicanor Faeldon laban kina Senador Panfilo Lacson at Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Atty. Jose Diño, Jr, abogado ni Faeldon, ang dating opisyal ang personal na maghahain ng ethics complaint laban kay Lacson sa Senate Ethics Committee sa Lunes.
Sa huling Linggo naman aniya ng buwang ito isasampa ni Faeldon ang ethics complaint laban kay Trillanes.
Si Faeldon ay nakakulong sa senado matapos tumangging magsalita sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nagiimbestiga sa 6.4 billion peso shabu smuggling mula sa China.