Tumanggi pa ring dumalo si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ngayong araw kaugnay sa P6.4 billion shabu shipment na nakalausot sa Bureau of Customs nitong Mayo.
Ayon kay Senator Richard Gordon ginawa nila ang kanilang makakaya para makumbinsi si Faeldon na dumalo sa pagdinig ngunit iginiit aniya nito na hindi siya haharap sa komite.
“Captain Faeldon will not appear. He has been told and he will not appear. I would like to put it on record that the committee tried to stretch out and try to make him appear but he insist that he will not appear.” ayon kay Senator Richard Gordon
Kasalukuyang naka-detine sa Senado si Faeldon dahil na rin sa makailang ulit na pang-iisnab nito sa Blue Ribbon hearing.
Una nang isinangkot ni Senator Panfilo Lacson si Faeldon sa umano’y talamak na ‘tara’ system sa Customs.
Dito rin nag-ugat ang ethics complaint na inihain ni Faeldon laban naman kay Lacson.
—-