Muling inisnab ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa 6.4 billion-peso shabu shipment mula sa China.
Sinabi ni Faeldon na hindi na siya naniniwalang nagiging patas na sa nasabing usapin ang maraming senador.
Sa kaniyang isinumiteng sulat sa komite, inihayag ni Faeldon na ang hindi niya pagdalo sa nasabing hearing ay isang protesta at hindi pambabastos sa senado bilang institusyon.
Binigyang diin ni Faeldon na mataas ang respeto niya sa senado subalit dismayado siya sa ilang miyembro nito na nagsisinungaling para sirain siya at mga inosente pang resource persons.