Ipinag-utos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagpapalaya kay dating Customs Commissioner ngayo’y Office of the Civil Defense (OCD) Deputy Administrator Nicanor Faeldon.
Ito ay matapos ipangako ni Faeldon kay Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na susundin na ang summons ng Senado at hindi na makipagpalitan pa ng kung anu anong salita sa mga senador.
Sinabi sa DWIZ ni Gordon na kaagad na ring nakauwi sa kaniyang bahay si Faeldon matapos niyang lagdaan ang release order nito.
Blue ribbon committe chairman Dick Gordon signed the released order in front of former customs commissioner faeldon @dwiz882 pic.twitter.com/wHVa1JSYpt
— cely bueno (@blcb) March 12, 2018
blue ribbon committee ordered the release of faeldon @dwiz882 pic.twitter.com/GjiHVlq0hd — cely bueno (@blcb) March 12, 2018
LOOK: Copy of release order pic.twitter.com/csTImAUQOL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 12, 2018
Nilinaw ni Gordon na walang tumawag sa kaniya para palayain na si Faeldon at sadyang nakahanda na rin naman aniya ang release order ng opisyal.
Si Faeldon ay maagang sinundo kaninang umaga ng mga tauhan ng Office of the Sergeant at Arms ng Senado para dumalo sa pagdinig ng Senado sa mga umano’y anomalya sa Bureau of Customs.
(Ulat ni Cely Bueno)