Wala nang balak pang dumalo sa pagdinig ng Senado si dating Customs Chief Nicanor Faeldon kaugnay ng nakapuslit na shabu shipment mula sa China.
Ayon kay Faeldon, mas pipiliin niyang makulong kaysa sa muling dumalo sa naturang hearing.
Giit ni Faeldon, hindi dapat siya inaakusahan ng mga senador dahil resource person aniya siya sa mga naunang pagdinig at hindi akusado.
Binigyang diin pa ng dating pinuno ng BOC na ginagamit ng ilang senador ang isyu sa Aduana upang magpapogi sa mata ng publiko.
By Ralph Obina