Hindi pa rin tinatanggap ni dating bureau of customs chief Nicanor Faeldon ang kanyang appointment bilang bagong hepe ng Bureau of Corrections.
Ito ang kinumpirma mismo ni Justice Secretary Menardo Guevarra.
Ayon kay Guevarra, kanya pang hinihintay ang abiso mula kay Faeldon kung magsisimula na itong umupo kapalit ni dating bucor chief Ronald Dela Rosa na tumatakbo naman bilang senador sa halalan sa susunod na taon.
Dahil dito, pansamantala munang itinalaga ni Guevarra si BuCor Dep. Director Gene Wilben Ramon Buenafe bilang OIC o Officer in Charge.
Samantala, sinabi ni Guevarra, maari pa rin namang umatras si Faeldon kung hindi siya interesadong pamunuan ang BuCor.
(with report from Bert Mozo)