Ibinabala ni House Energy Committee Co-Chairperson at Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang failure of elections sa Mindanao.
Ito ay kung mabibigo ang gobyerno na mapigilan ang pambobomba sa mga power transmission tower.
Binigyang-diin ni Rodriguez na kung magpapatuloy ang pambobomba sa mga tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, tiyak na magko-collapse ang Mindanao Power Grid.
Sakali aniyang mangyari ito, 13 milyong botante mula sa 54 na milyong registered voters ang hindi makaboboto sa Mayo 9.
By Meann Tanbio