Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nagkaroon nga ng failure of intelligence sa pagpasok ng Maute terror group sa Marawi City.
Ayon sa Pangulo, nagkamali sila sa evaluation at assessment dahil nagawang magtago ng armas at mga pampasabog ang mga terorista sa lugar.
Giit pa ng Pangulo, wala aniyang ibang dapat sisihin sa sinapit ng Marawi City kung hindi ang mga Maranao na nagpapasok ng mga terorista sa kanilang lungsod.
Nagtataka rin ang Pangulo kung bakit tila unli o hindi nauubusan ng armas at bala ang mga terorista sa nakalipas na ilang linggong bakbakan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte