Pinasisibak ng dalawang hindi nagpakilalang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga responsable sa bakbakan ng militar at Abu Sayyaf sa Tipo Tipo, Basilan na ikinasawi ng 18 sundalo.
Ayon sa dalawang military generals, dapat imbestigahan ang naturang insidente partikular ang anila’y failure of leadership.
Kabilang dito anila si Regional Military Chief Major General Mayoralgo dela Cruz na nag-plano umano ng operasyon at pumunta mismo sa headquarters bago sumabak sa bakbakan ang mga sundalo.
Kulang anila sa karanasan at palpak sa intelligence at pagpaplano ang mga sundalo kaya’t dapat managot ang mga nasa brigade hanggang sa antas ng Western Mindanao Command.
By Judith Larino