Makakaranas ng fair weather condition ang bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila kung saan, asahan na ang mainit at maaliwalas na panahon sa tanghali at hapon.
Ayon kay PAGASA weather specialist Grace Castañeda, “stay indoors” o limitahan lamang ang “outdoor activities” at kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan ay huwag nang umalis ng bahay.
Huwag ding kalilimutang magdala ng payong na pananggalang sa init ng araw at biglaang pagbuhos ng ulan.
Sinabi pa ni Castañeda na dapat ding magkaroon ng break ang isang tao; palaging uminom ng tubig; at kung maaari ay magsuot lamang ng light colors upang maiwasan din ang mga panganib na maaring magdulot ng init ng araw at makasama saating kalusugan.
Asahan naman ang tiyansa ng pulo-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa visayas at mindanao lalo na sa hapon at gabi.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa bahagi ng eastern Visayas, Cebu, Bohol Negros Island, Panay Island at buong bahagi ng Mindanao at may tiyansa din ang panandaliang pag-ulan sa hapon at gabi.
Pinag-iingat naman ng PAGASA ang publiko at maging alerto sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa partiklular na sa mga may posibilidad ng severe thunder storm.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 34°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 6:02 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:06 ng hapon. —sa panulat ni Angelica Doctolero