Mariing kinondena ng Department of Tourism (DOT) ang pagsusumite ng pekeng COVID-19 test results ng anim na turistang nagtungo sa isla ng Boracay.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, hindi maaaring kunsintihin ang ganitong gawain dahil pinipilit ng gobyerno na maprotektahan at muling buhayin ang turismo ng Boracay.
Ani puyat nais niyang maipakita sa mga stakeholders at turista na ligtas magtungo sa Boracay na isa sa pinakasikat na tourist spot sa bansa dahil sa pagpapatupad dito ng mahigpit na health at safety protocols.