Naniniwala si Senator Nancy Binay na isang uncontrolled virus ang fake news.
Ayon kay Binay, kung walang magsasalita upang itama ang mga maling impormasyong natatanggap ng publiko ay tiyak na mananaig ang kasinungalingan.
Ngayong hindi na nasusuri at nabeberipika ang mga lumalabas na impormasyon, marami na anyang naniniwala sa tsismis at maling istorya.
Gayunman, naniniwala ang senador na hindi kailangang magpasa pa ng batas laban sa fake news.
Ito’y dahil ginagarantiyahan sa konstitusyon ang free speech kaya’t kabalintunaan kung i-re-regulate o lilimitahan ang pagsasalita sa rasong magkakaiba lamang ng opinyon o pananaw ang bawat isa.
Idinagdag pa ng mambabatas na ang kailangan ay mga tao at non-government watchdogs na kayang pabulaanan sa publiko ang mga fake news. –Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)