Isinisisi ni Vera Files Editor in Chief Ellen Tordesillas sa ilang opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng mga maling balita sa pagkalat ng fake news.
Sa pagdinig ng senado kaugnay sa pagkalat ng fake news, sinabi ni Tordesillas na ilang opisyal ng pamahalaan at politiko ang maaaring inililihis ang katotohanan at iligaw ang isipan ng publiko.
Mabilis aniya itong kumakalat dahil sa malawak na network ng mga nasabing opisyal kabilang ang mga social media accounts.
Binanggit din ni Tordesillas si Pangulong Rodrigo Duterte bilang halimbawa ng opisyal na nagbigay ng pekeng impormasyon.
Iginiit din ni Tordesillas ang paggawa ng batas na panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na pinagmulan ng pekeng balita.