Itinanghal ang ‘fake news’ bilang word of the year ng Collins Dictionary.
Ito ay dahil sa naging madalas na paggamit nito na umabot sa 365 percent usage simula noong 2016.
Lalo pang sumikat ang paggamit salitang fake news nang mismong si US President Donald Trump na ang gumamit ng naturang salita nang pabulaanan nito ang report ng CNN news agency sa di umano’y link niya sa Russia.
Tinukoy ng Collins Dictionary ang fake news bilang peke, madalas ay sensational na balita at mga impormasyon na nag-aanyong news report.
Sa Pilipinas, nagkaroon pa ng hearing ang Senado kung saan tinalakay ang pagkalat ng fake news sa internet kung saan naging resource person sina Presidential Communications Office Undersecretary Mocha Uson at sikat na blogger na si RJ Nieto o kilala bilang Thinking Pinoy.
Matatandaang itinampok bilang word of the year ang salitang brexit noong 2016 bilang pagtukoy naman sa naging pagkalas ng United Kingdom sa European Union.
—-