Patuloy na lumalakas ang fake news o mga pekeng balita tungkol sa mga kandidato ngayong papalapit na ang halalan.
Kabilang sa itinuturing ngayon na fake news ng Commission on Elections (Comelec) ang kumakalat na kapalpakan sa balota na may nawawalang pangalan ng kandidato maging ang mga pre shaded na mga balota.
Bukod pa dito, marami narin sa mga kandidato ang nasisira ang pangalan dahil sa mga lumalabas na trolls sa social media hinggil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon at mga imbentong balita.
Usap-usapan rin ang vote-buying ng mga kandidato at anomalya sa Overseas Absentee Voting sa mga Pilipino na nasa ibang bansa.
Upang mabigyan ng leksiyon, kailangang manguna ang Comelec sa pagpapataw ng parusa sa mga kandidatong nagpapakalat ng kasinungalingan at paninira sa kapwa nila kandidato upang hindi mawalan ng tiwala ang mamamayan sa kredebilidad ng eleksiyon sa bansa.