Umapela sa publiko ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) na iwasan ang pagpapakalat sa social media ng mga impormasyon ukol sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na hindi naman beripikado.
Ito’y matapos kumalat online ang ulat na umano’t pagpapatupad ng lockdown sa Quezon City kapag patuloy na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa QCDRRMO, walang masama kung magiging alerto ang lahat ngunit hindi anila maganda kung magpapalaganap pa ng maling impormasyon na magdudulot ng pangamba o panic sa iba.