Ginugunita ngayong araw ang National Police Remembrance Day.
Ito’y bilang pagkilala sa mga pulis na nasawi dahil sa paggampan ng kanilang mga tungkulin.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. sa Bantayog ng mga Bayaning Tagapamayapa sa PNP headquarters.
Dumalo rin si Richard Sison, ang acting Australian Ambassador to the Philippines at Detective Superintendent Andrew Perkins, Australian Federal Police Senior Officer to the Philippines.
Ipinabatid ni PNP Chief Azurin, ngayong araw ang binibigyang pagkilala ang mga tinaguriang fallen heroes na nagbuwis ng kanilang buhay magampanan lamang ang kanilang mga tungkulin.