Ipinagtanggol ng pamunuan ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang paghirang nila kay Vice Ganda bilang recipient ng Dolphy memorial award.
Ito ay sa harap ng pagkuwestiyon ng isang kolumnista sa naturang desisyon at sinabing sina “Tito, Vic and Joey” ang tumanggap nito.
Ayon kay FAMAS President Francia Conrado, si Vice Ganda mismo ang napili ng pamilya ng tinaguriang “Hari ng Komedya” para tumanggap ng nasabing award.
Habang ginawaran naman ng lifetime achievement award sina “Tito, Vic and Joey” noong nakalipas na tatlong taon.