Hinimok ng World Health Organization (WHO) ang publiko na iwasan muna ang pagsasagawa ng mga nakaugaliang pagtitipon ng mga pamilya o ‘yung family gatherings ngayong Pasko.
Ayon sa WHO, sa ganitong paraan maiiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Maria Van Kerkhove, technical lead ng WHO, wala naman aniyang ‘zero-risk’ option o lusot sa virus.
Ang meron lang ani Kerkhove, ay lower at higher risk —ibig sabihin, nasa paligid lang ang banta ng hawaan ng COVID-19.
Sa huli, iginiit ni Kerkhove na bagamat mahirap na baguhin ang nakasanayan, sa ngayon ay gawin na lang na ‘virtual’ ang pagtitipon para maipatupad ang ibayong pag-iingat.