Pumalo na sa P1,106 ang family living wage para sa bawat pamilyang Pilipinong may limang miyembro sa National Capital Region (NCR).
Ito ay makaraang umakyat sa 6.1% ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa
Sinabi ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa, kulang na kulang ang ibinibigay na daily minimum wage sa mga manggagawa sa NCR na kasalukuyang nasa ₱570 lamang.
Aniya, hindi man lang sumabay ang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil mababa pa rin ang sahod ng mga manggagawa sa bansa.
Una nang inaprubahan ng national wages and productivity board ang iba’t ibang halaga ng taas-sahod sa lahat ng rehiyon sa bansa pero sinabayan naman ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.