Tumaas pa ang family living wage o sahod na kailangan kada araw ng pamilyang may limang miyembro sa National Capital Region (NCR).
Batay sa pagtataya ng Economic Think Tank na Ibon Foundation, nasa 1,071 pesos kada araw ang kailangang family living wage na katumbas ng 25, 252 pesos kada buwan.
Ito anila ay lalong lumayo sa kasalukuyang minimum wage sa NCR na 500 pesos hanggang 537 pesos na pinakamataas na minimum na pasahod sa buong bansa.
Kabilang naman sa mga ikinonsiderang arawang gastusin ng pamilyang pilipino ang pagkain, renta sa bahay, ipon, tubig, huryente, gas, transportasyon at edukasyon. —sa panulat ni Airiam Sancho