Isinusulong ng Commission on Population and Development na mabigyan ng access sa mga menor de edad na nabuntis sa mga family planning method.
Kasunod ito ng pagdami ng bilang ng mga menor de edad na nabubuntis mula 2010 hanggang 2017.
Ayon kay Popcom Executive Director Undersecretary Juan Perez III, sa ganitong paraan ay maiiwasan na muling magbuntis ang mga kabataan at mabibigyan sila ng tiyansang muling maisaayos ang kanilang buhay.
Malaki aniya ang kinalaman ng mga institusyon tulad ng paaralan at pamilya upang mapigilan ang mga kabataan na mag ekperimento pagdating sa sex.
Sa eskwelahan hindi itinuturo ang comprehensive sexuality education maaring hindi mag-iinterfere ang mga magulang, yung mga guro hindi komportable na pag-usapan ang mga bagay na ito sa eskwelahan, yung mga health center i-open sa mga problema ng mga kabataan,” ani Perez. — sa panayam ng Ratsada Balita.