Humakot ng awards sa Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night ang pelikulang “Fan Girl”.
Kabilang sa mga nakuhang awards ng “Fan Girl”sa isinagawang gabi ng parangal online, ang Best Picture Award habang ang mga bida sa pelikulang sina Paulo Avelino at Charlize Dizon ay waging Best Actor at Best Actress.
Nakuha ni Antonette Jadaone ang Best Director Award para pa rin sa pelikulang “Fan Girl”, gayundin ang Best Screenplay, Best Sound, Best Editing at Best Cinematography Awards.
Tinalakay sa pelikula ang pagiging obsess ng isang fan sa kanyang iniidolong artista.
Humakot din ng award ang pelikulang Magikland kabilang ang Best Visual Effects, Best Production Design at Best Musical Score, samantalang Best Supporting Actress naman si Shaina Magdayao para sa pelikulang “Tagpuan” at Best Supporting Actor naman si Michael De Mesa para sa pelikulang “Isa Pang Bahaghar”i.