Posibleng papasukin muli ang basketball fans ng sa games Philippine Basketbal Association (PBA) sa pagpapatuloy ng 2022 Governor’s Cup.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, sa ngayon ay wala pang fans na papayagan sa venue kapag natuloy ang pagbabalik ng laro simula Pebrero 11.
Ang venue anya ay posibleng sa Smart Araneta Coliseum kung saan lilimitahan lang nila ito para sa mga koponan, staff at tauhan ng liga, kabilang ang mga crew sa telebisyon para sa pagbabalik ng season ending tournament.
Gayunman, hindi magtatagal at papapasukin din nila ang fans lalo pa at nasa alert level 2 na ang Metro Manila.