Nasa 31 % pa lang ang may fare matrix sa pampublikong sasakyan matapos ipatupad ng pamahalaan ang dagdag pasahe.
Ayon kay LTFRB Executive Director Robert Peig, nasa 72,500 mula sa 256,000 PUVs sa buong bansa ang nakakuha ng fare matrix na requirement sa isang driver o operator upang makapasingil ng dagdag ng pamasahe sa mga pasahero.
Kaugnay nito, ang ilan sa mga ito ay hindi na nakapagparehistro ng sasakyan matapos abutan ng transport shutdown noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Pinag-iisipan ng LTFRB na pansamantalang tanggalin ang P 520 na filing fee ngayon para sa maraming operator ang makakuha ng fare guide na kailangan ng mga pasahero. – sa panunulat ni Jenn Patrolla