Kinalampag ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate ang Korte Suprema para madaliin ang paglalabas nito ng desisyon na kumukuwestyon sa iligal na pagtataas ng pasahe ng LRT at MRT.
Ayon kay Zarate, pinilit ng nakalipas na pamunuan ng dating Department of Transportation and Communication o DOTC ang pagtataas ng singil sa pasahe gayung lalong lumala ang mga nararanasang aberya ng mga naturang mass transit.
Dahil dito, sinabi ng mambabatas na dapat ibasura ng Korte Suprema ang nasabing fare hike, sa halip ay atasan nito ang kasalukuyang dotr na ibalik sa mga pasahero ang sobrang pasahe na nasingil ng MRT at LRT sa pamamagitan ng fare rollback tulad ng ginawa sa kaso ng overcharging ng MERALCO noong 2013.
Magugunitang ipinatupad ng dating DOTC ang fare hike pagpasok pa lamang ng taong 2014 na naglalayong mapabuti ang serbisyo nito sa publiko bunsod ng mga nararanasan nitong aberya.
—-