Nagkaisa sina dating House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Marikina City Representative Miro Quimbo na kapwa dumulog sa Korte Suprema.
Ito ay sa oras na maideklara muli bilang minority leader si Quezon Representative Danilo Suarez.
Ayon kay Fariñas, kung mabibigo pa rin maresolba ang usapin ng minorya sa House of Representative at manatiling minority leader si Suarez, kanya nang i-aakyat ito sa Korte Suprema.
Muli namang iginiit ni Quimbo na bumoto ang grupo ni Suarez pabor sa pagluklok kay Arroyo bilang House Speaker kaya nararapat lamang itong mapasama na sa mayorya batay na rin sa isinasaad sa rule ng Kamara de Representates.
Samantala, nilinaw naman nina Fariñas at Quimbo na bagama’t kapwa sila naghahangad na maging minorya, hindi sila magsasanib-puwersa.
Anila, nagkasundo lang sila na igiit sa Korte Suprema ang rule 2 section 8 ng Kamara kung saan nakasaad na awtomatikong magiging miyembro ng mayorya ang bumoto pabor sa itinalagang House Speaker.
—-