Tinukoy ni House Deputy Speaker Fredenil Castro ang tatlong committee chairmen na posibleng matanggalan ng chairmanships sa ilalim ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon kay Castro, minimal lamang ang House reorganization at tanging apektado lamang ay pawang mga komite na nangailangan ng chairpersons na pinagkakatiwalaan ng bagong House Speaker.
Hindi naman nagbanggit ng pangalan si Castro subalit ang mga komite na apektado ay Rules, Accounts at Justice.
Ang mga kasalukuyang pinuno ng mga nasabing komite ay sina Congressmen Rodolfo Fariñas, Elenita Ermita-Buhain at Reynaldo Umali.
Farinas(Rules Committee),Umali(Justice Committee) at Buhain(Accounts Committee) posibleng alisin Chairpersons ng kanilang Committees-Cong.Fred Castro @dwiz882
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) July 27, 2018