Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture na gawing prayoridad ang farm-to-market road projects upang matiyak na ang mga inisyatibo ay nakalinya pa rin sa Farm-to-Market Roads National Plan.
Binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng pagsasaprayoridad ng mga proyekto na naka-angkla na sang-ayon sa utility at development aspect.
Iginiit ng Pangulo na maraming kalsada sa bansa na hindi maganda ang kondisyon na nakakaapekto sa pagluluwas ng mga produkto.
Kasunod nito, ipinag-utos din ni PBBM sa mga opisyal ng da na makipagtulungan sa iba pang mga ahensya sa pagtukoy sa mga lugar na may mga kalsadang dapat itayo o ayusin para matiyak na magiging maayos ang daloy ng mga produkto at serbisyo.
Ayon kay PBBM, mahalaga ring ikonsidera ang pagsasaayos sa mga fmrs na napinsala ng baha at iba pang kalamidad.