Kasabay ng pag-arangkada ng anihan ngayong Enero, inaasahan na ang pagbaba ng presyo ng sibuyas simula sa susunod na buwan.
Ipinaliwanag ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na kung madaragdagan na ang onion supply simula ngayong buwan ay posibleng magmura na ito.
Ayon kay So, nasa P250 kada kilo ang farmgate price, partikular sa Bayambang, Pangasinan at Bongabon, Nueva Ecija batay sa kanilang monitoring.
Umaasa anya silang bababa sa P150 hanggang P170 ang kada kilo ng puti at pulang sibuyas sa mga susunod na linggo at makamit ang target na aning 8,000 hanggang 9,000 metric tons ngayong buwan at 20,000 sa Pebrero.
Una nang inihayag ng Department of Agriculture ang planong pag-angkat ng sibuyas na posibleng isabay sa kasagsagan ng anihan sa Pebrero, upang mapababa umano ang presyo.