Dumaong sa Subic Bay sa Zambales ang tinaguriang fast attack submarine ng United States Navy para sa isang port call.
Ang pagbisita ng Los Angeles Class Submarine na USS Louisville ayon sa US Embassy ay patunay ng malakas na community at military ties ng Pilipinas at Amerika.
Ipinabatid ng US Embassy na nakalinya na ang gagawing community service projects at sporting events ng crew ng USS Louisville na una nang kinumisyon nuong November 1986 kung saan ang Pearl Harbor sa Hawaii ang home port nito.
Nakatakdang sumailalim sa minor maintenance work ang nasabing barko sa tulong ng mga Filipino companies.
Ang USS Louisville ay bahagi ng US 7th fleet na sumusuporta sa security at stability ng Indo Asia Pacific Region.
By: Judith Larino / Jonathan Andal