Pumanaw na ang tinuturing na Father of Sudoku ng bansang Japan na si Maki Kaji sa edad na 69.
Ayon sa ulat, pumanaw si Kaji sa kanyang tahanan nitong Agosto 10 matapos makipaglaban sa sakit na cancer.
Ayon sa kanyang publisher, minahal ng mga puzzel fan sa buong mundo itong si Kaji.
Hindi pa inaanunsyo ang petsa para sa kanyang memorial service.
Ang larong Sudoku ay isang numerical crossword na naimbento noong 18th century.—sa panulat ni Rex Espiritu