Nagbalik-tanaw si Father Teresito Chito Suganob sa kaniyang naranasan sa kamay ng mga terorista.
Kasunod na rin ito ng deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi City matapos mapatay sa operasyon sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Ayon kay Suganob, si Omar Maute ang direktang may hawak sa kaniya at nagpapasalamat din siya na nailigtas na rin ang iba pang kasamahang bihag.
Sinabi ni Soganub na ipinaabot na rin niya sa kaniyang mga kaanak sa South Cotabato ang natapos nang paghihirap ng mga sibilyan, bihag at mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City.
Katuwang aniya niya ang kaniyang mga kaanak sa pagdarasal gayundin ang publiko para matapos na ang kaguluhan sa Marawi City na unang nilusob ng mga terorista noong May 23.
—-