Bumuhos ng sulat at pagkain para sa mga sundalong nakikipagbakbakan sa Marawi City noong Linggo.
Ayon kay Col. Jose Maria Cuerpo, commander ng 8th Infantry Batallion, higit dalawang libong (2,000) food bundles ang ipinamigay sa mga sundalong nasa front line bilang pagdiriwang ng Father’s Day.
Ipinamahagi rin ang liham mula sa iba’t ibang pribadong indibwal na naglalayong mapataas ang moral ng mga sundalong nakikipagbakbakan sa mga terorista.
Liham pasasalamat ng mga mag-aaral mula sa Metro Manila patuloy ang pagbuhos
Patuloy ang pagbuhos ng liham pasasalamat ng mga mag-aaral mula sa Metro Manila para sa mga sundalong lumalaban kontra Maute Group sa Marawi City.
Pumapalo na sa mahigit dalawang libong (200,000) liham at mahigit anim (6) na pares ng medyas at underwear ang tinanggap ng isang doktor na nagsimula ng isang Facebook campaign bilang suporta sa pangangailangan ng mga sundalo.
Sa ilalim ng Oplan Malasakit na sinimulan ni Dr. Tiger Garrido noong Hunyo 12, layon nitong bigyan ng pagpapahalaga at papuri ang mga ginagawang sakripisyo ng mga sundalong lumalaban sa teroristang grupo.
Ang mga nasabing liham at medyas ay nakatakdang dalhin sa Marawi City ngayong linggo para sa mga sundalo.
By Rianne Briones / Judith Estrada – Larino