May positibong resulta ang mga likes sa social media sa mga botong nakuha ng mga nagwaging pulitiko.
Ito ang paniniwala ng Professor Cristina Montiel na nagtuturo ng peace and political psychology sa Ateneo De Manila University (ADMU).
Mayroon aniyang “mathematical relationship” sa mga FB likes at winning ng mga pulitiko.
Ito ang buod ng pag-aaral ng grupo ni Montiel na may titulong Senatorial Postscript: Campaign Talk, Predicting Winnability from FB Likes and Other Big Data Analysis:
Gumamit ng algorithm ang grupo ni Professor Montiel para mapag aralan ang 19,000 FB posts.
Isa sa mga halimbahawa ni Montiel ang nagwaging si Senador Grace Poe na pinakamaraming likes na nakuha mula sa social media.
Samantala paglilinaw ni Professor Montiel na isa lang at hindi lamang ang Facebook likes ang kanilang ginawang batayan sa kanilang ginawang pag-aaral sa resulta nang 2019 midterm elections.