Aprubado na ng Food and Drug Administration ang COVID-19 vaccine mix-and-match clinical trial.
Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, natapos na ang regulatory review ng nasabing clinical trial at ang aplikasyon para rito ay naaprubahan na ng FDA nitong Nobyembre 16.
Kaugnay nito, sinabi ni Guevara na sinimulan na ng gobyerno ang screening ng mga aplikante ng naturang clinical trial.—sa panulat ni Airiam Sancho