Inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na inaprubahan na ng Food and Drug Administration o FDA ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Sputnik light COVID-19 vaccine.
Single dose ang bakunang ito na binuo ng gamaleya research institute.
Ayon sa Russian direct investment fund, 79.4% ang efficacy rate ng Sputnik light.
Samantala, sinabi pa ni Galvez na 10 milyong indibidwal ang makikinabang sa nasabing bakuna.
Ito na ang ika-siyam na COVID-19 vaccine na nabigyan ng EUA sa bansa.—sa panulat ni Drew Nacino