Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), laban sa paggamit ng marijuana o ng anumang derivatives nito.
Ayon sa advisory ng FDA at PDEA, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng hempseed oil, ng varieties nito at ng ano mang derivaties mula sa cannabis o marijuana, sa mga consumer products.
Hinimok din ng PDEA at FDA ang mga lokal na pamahalaan na mahigpit na i-monitor ang pagkalat ng mga produkto na naglalaman nito.
By Katrina Valle