Dapat umanong alisin ang FDA o Food and Drug Administration sa ilalim ng pangangasiwa ng DOH o Department of Health.
Ayon kay Dr. Antonio Dans, propesor sa University of the Philippines-Manila College of Medicine dapat hiwalay ang FDA sa DOH para sa isang lehitimong pagsusuri.
Paliwanag pa ni Dans, dapat ay hiwalay ang batayan ng polisiya ng tao at ng siyensya.
Magugunitang noong December 2015 ay inaprubahan ng FDA ang kontrobersiyal na Dengvaxia na bakuna laban sa Dengue.