Kakasuhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa Ombudsman ang isang departamento ng Food and Drug Administration (FDA).
Ito, ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, ay kapag nabigo ang FDA Center for Drug Regulation and Research na magpaliwanag hanggang sa Biyernes sa pagka-delay sa renewal ng halos 600 product registration applications.
Sinabi ni Belgica na isasailalim nila sa lifestyle check ang mga opisyal ng nasabing FDA Department kapag itinuloy ng ARTA ang kanilang imbestigasyon hinggil dito.
Tanging ang FDA, DOH, Ombudsman at Civil Service Commission aniya ang maaaring mag-utos ng preventive suspension ng mga empleyado nito.