Kailangan pa ng pag-aaral bago maisulong ng gobyerno ang plano nitong paggamit ng COVID -19 vaccine ng Astrazeneca bilang second dose sa Sputnik V.
Ayon ito kay FDA Director General Eric Domingo dahil ang unang component ng Sputnik V ay tinatawag na Sputnik light na maaaring ibigay bilang single dose na dapat pang busisiin.
Ini-evaluate na aniya ng vaccine experts ng bansa ang sputnik light at maaaring magpalabas ng resulta ng pag- aaral sa mga susunod na araw o linggo.
Gayunman ..ipinabatid ni Domingo na halos magkapareho ng component ang Astrazeneca at Sputnik V vaccines na mayroong magkaibang components para sa una at ikalawang dose nito.
Una nang inihayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. na posibleng gamitin ang Astrazeneca vaccine bilang second dose kapag hindi dumating ang supply ng Sputnik V sa bansa.
Inaasahang darating bukas, Agosto 13 ang 15K doses ng component number 2 ng Sputnik V o ikalawang shot nito.