Inamin ni Health Undersecretary at Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo na ikinagulat nya ang babala ng ahensya laban sa sikat na produktong Reno liver spread.
Sa katunayan, ipinabatid sa DWIZ ni Domingo na makailang beses pa niyang ipina-verify ang estado ng nasabing brand na talagang nabigong maiparehistro sa FDA.
Ayon pa kay Domingo, maaaring hindi na rin napansin noon ng kanilang mga tauhan na hindi naka rehistro ang naturang brand ng liver spread dahil nasa merkado na ito bago pa man mabuo ang FDA at ilipat dito ang product registration.
Bukod pa aniya ito sa unang nakikita ng inspection team ng FDA ay mga kahina-hinalang produkto at hindi inakalang hindi pa rehistrado ang Reno liver spread na kilalang produkto sa halos ilang dekada na.
Sa ngayon bibigyan sila ng pagkakataon na mag-explain at magpakita ng mga dokumento, kung wala talaga, it would have to be recalled and pulled out in the market,” ani Domingo. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882