Inamin ng Food and Drug Administration (FDA) na pahirapan ang pagsecure ng bansa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines para sa lahat ng mga Pilipino.
Kasunod na rin ito ng mahigit 900,000 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ini-evaluate pa nila ang application para sa emergency use authorization (EUA) ng mga bakunang dini-develop ng Bharat Biotech ng India at Belgium-based Janssen Pharmaceuticals, samantalang wala pa namang naisusumiteng requirement para sa EUA application ang US-based company na Moderna.
Sinabi ni Domingo na matagal nang nagpaparamdam ang Moderna subalit wala pa naman itong EUA application.
Una nang iniulat ng Department of Health na hanggang nitong nakalipas na ika-13 ng Abril, mahigit 1.2 million doses na ang naiturok simula nang gumulong ang vaccination program ng gobyerno noong ika-1 ng Marso.