Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng Moderna.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, tumagal ng siyam na araw ang pag-aaral sa mga dokumento na isinumite ng Moderna para sa aplikasyon ito sa EUA.
Maaari umanong gamitin ang bakuna ng Moderna sa edad 18-anyos pataas.
Una rito, sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na bumili na ang gobyerno ng nasa 13-milyong doses ng Moderna habang 7-milyong doses naman ang sa pribadong sektor.