Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang inamyendahang emergency use authorization (EUA) ng Pfizer BioNTech COVID-19 vaccine para maisama ang mga batang edad 12 hanggang 15 anyos na maaari nang mabakunahan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maaari nang maturukan ng bakuna ng Pfizer ang mga batang edad 12 hanggang 15, mayroon man o walang comorbidity.
Gayunman sinabi ni Duque na magiging prayoridad pa rin ang mga batang may comorbidities o ang mga kabilang sa A3 category.
Ito ay dahil sa limitadong suplay ng Pfizer vaccine na dumating sa bansa kaya’t susundin pa rin ang prioritization list.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel ang pag-apruba sa amended Eua ng Pfizer matapos ang masusing pagsisiyasat sa mga iprinisintang batayan na uubra ang nasabing bakuna sa mga batang edad 12 hanggang 15 anyos.