Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na mayroong mga nagtatangkang magbenta ng mga gamot sa online platforms.
Ayon kay Health undersecretary Eric Domingo, officer-in-charge ng FDA, agad syang nagpalabas ng warning at paalala matapos nila itong matuklasan.
Sinabi ni Domingo na mahigpit na sa mga botika lamang ang lisensyadong magbenta ng gamot.
Sa ngayon po wina-warningan naman natin, napaalalahanan natin itong ating mga online sellers na pag gamot po ay hindi po maaaring ibenta nalang basta-basta sa internet at i-deliver dahil kailangan poi to ay mayroon talagang botiko at kailangan may reseta po ang pasyente bago po ito mabili,” pahayag ni Domingo.